MARAGTAS FESIVAL
Selebrasyon ng Kalayaan, Pagkakilanllan, at Tagumpay


ni: Rannick Bangud

        MINA, ILOILO- Kasabay sa kanilang gintong anibersaryo bilang isang malayang munisipalidad, isinagawa ng bayan ng Mina sa pangunguna ng pamahalaang lokal, ang kauna-unahang pistibolo ng bayan, Ang Maragtas sang Mina, Setyembre 8-9. 
Salig sa Batas Republika blg. 5442, opisyal na inagurahan bilang isang ganap na bayan ang Mina sa ilalim ng panunugkulan ng dating pangulo Ferdinand Marcos noong Setyembre 9, 1968. 

Pinangunahan ang pambukas na programa nina Hon. JV Ejercito, Senator, Republic of the Philippines, Hon. Aimee Marcos, Governor, Province of Ilocos Norte, Hon. Arthur Defensor Sr., Governor, Province of Iloilo, Hon. Arthur Defensor Jr., Congressman, 3rd District, Province of Iloilo, Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Former Police Director General, Hon. Rey Grabato, Mayor, Municipality of Mina, Hon. Benardeno Chichirita, Vice Mayor, Municipality of Mina, at mga miyembro ng Sanggunian Bayan.

“This festivity symbolizes the triumph, breakthroughs, excellence, independence, culture, religion, and lastly the constituents of the town for the last 50 years of its exixtance. Furthermore, it is ostensive how the municipality proved why they are successful in spite of various adversities and constraints tested the town,” mariing pahayag ng kogresistang si Arthur. 

Bilang karagdagan, pinagmalaki rin ng kongresista ang pagdeklara  sa nasabing bayan bilang ganap na drug-free municipality, kauna-unahan sa probinsya ng Iloilo, at higit sa lahat tinuon ang selebrasyon sa pagsasalamat sa patron ng bayan, Senora del Pillar.

Kaugnay sa naturang kapistahan, naglunsad rin ng mga programa at paligsahan ang kinatawan ng Mina tulad ng triva dance na sinalihan naman ng ibat ibang sector sa nasabing bayan, mardigra games, pagsasapubliko ng unang edisyon ng librong “Ang Maragtas sang Mina” na sumasalamin sa sa tradisyon, kultura, paniniwala, pananaw, at liberalismo ng mga Minanhons sa kanilang tinubuang lupa sa nakalipas na 50 taon, at ang pinakatampok ng selebrasyon ay ang “Gabi ng Parangal” na nagpupugay sa kahusayan at katagumpayan ng mga Minanhons sa ibang ibang sector ng lipunan sa kani-kanilang piniling karera.


Layunin ng naturang kapistahan ang pagpapakita ng kasaysayan, kultura, at tradisyon sa pamamagitanng paggugunita ng isang pagdiriwang, pagbibigay pugay sa mga Minanhons na nagpakita ng kahusayan sa paggawa at karera, at pagpapalakas ng lokal na turismo partikular sa mga munisipalidad na kabilang sa 5th class category. 

Mga Komento